Ambience

Suring basa


Chasing the Sun

Ni Inksteady


I. PANIMULA

PAMAGAT

Ang Chasing the Sun na parirala ay tila ba ay maraming nakatagong kahulugan. Maaaring ito ay may Iba’t Ibang interpretasyon. Ngunit para sa nobela, nahahati ito sa dalawang interpretasyon. Ang una ay para sa bida ang Chasing the Sun ay tulad ng paghabol ng bida sa kaniyang pangarap ngunit para sa lalaking kaibigan ng bida, ang chasing the sun ay tulad ng paghabol ng lalaki sa bida.

URI NG PANITIKAN AT GENRE

Ang Chasing the Sun ay isang nobela. Sa kadahilanang ito ay binubuo o nahahati sa 41 na kabanata. May genre na katatawanan at romance (RomCom)

PAGKILALA SA MAY AKDA

Si INKSTEADY ay ipinanganak sa Laguna noong July 16, 2000. Siya ay isang writer sa Wattpad at sa murang edad pa lamang ay nangarap na siyang sumulat. Kaya naman noong September 6, 2020 ay sinimulan niyang isulat ang kauna-unahang akda na College Series na binubuo ng Tatlong Libro.

II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN

TEMA/PAKSA

Ang Chasing the Sun ay tumatalakay sa tema ng pagmamahal, pang aabuso at pagkakaroon ng matatag na pangarap. Ang kwento ay iikot sa buhay ng bida na si Sol, na kung saan ay haharapin njya ang mga pagsubok kahit nag-iisa. Aabutin ang pangarap na inaasam at mamumuhay ng payapa kasama ang kanyang minamahal.

MGA TAUHAN, TAGPUAN AT PANAHON

a. Solene Clemente – Isang Engineering student na nahihirapan sa kursong iyon ngunit sa pagbe-bake talaga ang kanyang hilig. May nagugustuhan siyang lalake, si Duke ang kanyang kababata. May kakayahan na ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga nang bubully sa kanya ngunit sa kabila noon ay naghahanap rin siya nang masasandalan at makakapitan.

b. Duke Laurence Sanders – Isa ring Engineering student at may kagwapuhan at katalinuhan kaya naman siya ay gustuhin ng mga kababaihan sa campus. May lihim siya na pagtinggin sa kanyang kababata na si Solene. Siya ay may pagmamahal sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga kaibigan.

c. Troy Jefferson Dela Paz – kaibigan nila Sol at duke, isa siyang masayahin at mainggay na tao. Mahilig itong makipagbiro at tulad ni Sol ay may kahinaan rin sa pag-aaral. Malaki rin ang ambag niya sa kanilang samahan.

d. Mitzie Tanaka – Isang Transferee, mahinhin at tahimik. May misteryo sa kaniyang pagkakatao. Malaki rin ang ambag niya sa katutunguhan ng kwento.

Ang kwento ay nagsimula sa probinsiya ng Isabela, mula sa bahay ng bida hanggang sa isang kilalang state university sa lugar na iyon. Sa pagtagal ng kwento, mapapadpad ang bida sa maynila at laguna hanggang sa Amsterdam at Greece. Ang akda ay naganap sa panahon na kung saan ay 3rd college ang bida hanggang sa ito ay ikasal at magka-anak.

ESTILO NG PAGKASULAT SA AKDA

Ang akda ay isinulat sa paraang ito ay magbibigay kilig at aliw sa mga mambabasa. Gumamit ito ng Graphical Illustration ng chat upang ipakita sa mambabasa na ang usapan na iyon ay nakapaloob sa messenger o chat. Ang awtor ay gumamit rin ng deskriptibong pamamaraan para ibigay ay malalim na paglalarawan sa mga mambabasa na kung saan ay minsan ito ay nasa paraang poetry.

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

KAKINTALAN/ KAISIPAN

Sa kabuuhan ng kwento, maraming mga aral ang makikita. Isa na sa halimbawa na ito ay ang pagiging dependent ni Sol, ngunit sa kabila ng kanyang katapangan ay nangungulila rin siya ng proteksyon. Sa buhay, ay minsan ay pinapakita natin sa iba na kaya natin ang isang bagay bilang isang defense mechanism. Ngunit hindi naman lagi na kailangang nakasara ang ating puso at isipan, atin itong buksan at hayaang magpapasok ng iilang tao na mas makakapag paliwanag sa atin. Isa rin dito ay hindi lahat ng bagay ay kailangan nating pasanin. Hindi rin lahat ng bagay ay lagin idadaan sa mga hinala, hayaan natin sila ay mag paliwanag. Dahil ang magmadang komunikasyon ay ang susi sa matagal na relasyon.

KULTURA MASASALAMIN

Ang aklat ay naglalaman ng Iba’t Ibang kultura ng Pilipino, isa na dito ang pagmamahal sa pamilya, mga kaibigan at sa sarili. Isa ring kultura na makikita dito ay ang pagkakaroon ng celebration, malaki man ito o maliit. Lahat ng iyan ay makikita sa mga pilipino, idagdag ko na rin ang pagtutulungan ng bawat isa. Ngunit makikita rin sa kwento ang isa sa mga negatibong kultura ng mga istudyante, ang pangongopya at pagka-cramming.

IV. LAGOM

Si Solene Clemente ay isang tipikal na engineering student na nahihirapan sa kanyang pag aaral, kung pwede lang i-bake yung mga itlog niyang scores sa exam, ay ginawa niya na. Sa murang edad pa lamang ay naranasan niya na ang mga bagay na di dapat dinaranas ng normal na bata, ngunit hindi naman siya nag iisa dahil nariyan naman ang kanyang ina na mahal na mahal niya at ang kanyang best friend na si duke, na may lihim na pagtingin sa kanya. Kaya kahit hirap na hirap siya ay kaya niya itong tiisin para sa kanyang pangarap, patuloy siyang magliliwanag at tulad ng araw ay nakatadhana na siyang mag isa.

V. REAKSYON AT MUNGKAHI

Ang Chasing the Sun ay tunay na maganda para sa akin. Sapagkat di lang ito puro kakiligan, puno rin ito ng mga iba’t ibang damdamin tulad ng katatawanan at mga aral sa buhay na siyang magpapabago ng ating persektibo sa buhay. Kaya kung ikaw ay naghahanap ng isang aklat na maglalabas sa iyo sa napakagulong mundong ito, College series ni INKSTEADY ang kailangan mo.





No comments:

Post a Comment

Suring basa

Chasing the Sun Ni Inksteady I. PANIMULA PAMAGAT Ang Chasing the Sun na parirala ay tila ba ay maraming nakatagong kahulugan. Maaaring ito a...