Ambience

Suring basa


Chasing the Sun

Ni Inksteady


I. PANIMULA

PAMAGAT

Ang Chasing the Sun na parirala ay tila ba ay maraming nakatagong kahulugan. Maaaring ito ay may Iba’t Ibang interpretasyon. Ngunit para sa nobela, nahahati ito sa dalawang interpretasyon. Ang una ay para sa bida ang Chasing the Sun ay tulad ng paghabol ng bida sa kaniyang pangarap ngunit para sa lalaking kaibigan ng bida, ang chasing the sun ay tulad ng paghabol ng lalaki sa bida.

URI NG PANITIKAN AT GENRE

Ang Chasing the Sun ay isang nobela. Sa kadahilanang ito ay binubuo o nahahati sa 41 na kabanata. May genre na katatawanan at romance (RomCom)

PAGKILALA SA MAY AKDA

Si INKSTEADY ay ipinanganak sa Laguna noong July 16, 2000. Siya ay isang writer sa Wattpad at sa murang edad pa lamang ay nangarap na siyang sumulat. Kaya naman noong September 6, 2020 ay sinimulan niyang isulat ang kauna-unahang akda na College Series na binubuo ng Tatlong Libro.

II. PAGSUSURING PANGNILALAMAN

TEMA/PAKSA

Ang Chasing the Sun ay tumatalakay sa tema ng pagmamahal, pang aabuso at pagkakaroon ng matatag na pangarap. Ang kwento ay iikot sa buhay ng bida na si Sol, na kung saan ay haharapin njya ang mga pagsubok kahit nag-iisa. Aabutin ang pangarap na inaasam at mamumuhay ng payapa kasama ang kanyang minamahal.

MGA TAUHAN, TAGPUAN AT PANAHON

a. Solene Clemente – Isang Engineering student na nahihirapan sa kursong iyon ngunit sa pagbe-bake talaga ang kanyang hilig. May nagugustuhan siyang lalake, si Duke ang kanyang kababata. May kakayahan na ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga nang bubully sa kanya ngunit sa kabila noon ay naghahanap rin siya nang masasandalan at makakapitan.

b. Duke Laurence Sanders – Isa ring Engineering student at may kagwapuhan at katalinuhan kaya naman siya ay gustuhin ng mga kababaihan sa campus. May lihim siya na pagtinggin sa kanyang kababata na si Solene. Siya ay may pagmamahal sa kanyang pamilya lalo na sa kanyang mga kaibigan.

c. Troy Jefferson Dela Paz – kaibigan nila Sol at duke, isa siyang masayahin at mainggay na tao. Mahilig itong makipagbiro at tulad ni Sol ay may kahinaan rin sa pag-aaral. Malaki rin ang ambag niya sa kanilang samahan.

d. Mitzie Tanaka – Isang Transferee, mahinhin at tahimik. May misteryo sa kaniyang pagkakatao. Malaki rin ang ambag niya sa katutunguhan ng kwento.

Ang kwento ay nagsimula sa probinsiya ng Isabela, mula sa bahay ng bida hanggang sa isang kilalang state university sa lugar na iyon. Sa pagtagal ng kwento, mapapadpad ang bida sa maynila at laguna hanggang sa Amsterdam at Greece. Ang akda ay naganap sa panahon na kung saan ay 3rd college ang bida hanggang sa ito ay ikasal at magka-anak.

ESTILO NG PAGKASULAT SA AKDA

Ang akda ay isinulat sa paraang ito ay magbibigay kilig at aliw sa mga mambabasa. Gumamit ito ng Graphical Illustration ng chat upang ipakita sa mambabasa na ang usapan na iyon ay nakapaloob sa messenger o chat. Ang awtor ay gumamit rin ng deskriptibong pamamaraan para ibigay ay malalim na paglalarawan sa mga mambabasa na kung saan ay minsan ito ay nasa paraang poetry.

III. PAGSUSURING PANGKAISIPAN

KAKINTALAN/ KAISIPAN

Sa kabuuhan ng kwento, maraming mga aral ang makikita. Isa na sa halimbawa na ito ay ang pagiging dependent ni Sol, ngunit sa kabila ng kanyang katapangan ay nangungulila rin siya ng proteksyon. Sa buhay, ay minsan ay pinapakita natin sa iba na kaya natin ang isang bagay bilang isang defense mechanism. Ngunit hindi naman lagi na kailangang nakasara ang ating puso at isipan, atin itong buksan at hayaang magpapasok ng iilang tao na mas makakapag paliwanag sa atin. Isa rin dito ay hindi lahat ng bagay ay kailangan nating pasanin. Hindi rin lahat ng bagay ay lagin idadaan sa mga hinala, hayaan natin sila ay mag paliwanag. Dahil ang magmadang komunikasyon ay ang susi sa matagal na relasyon.

KULTURA MASASALAMIN

Ang aklat ay naglalaman ng Iba’t Ibang kultura ng Pilipino, isa na dito ang pagmamahal sa pamilya, mga kaibigan at sa sarili. Isa ring kultura na makikita dito ay ang pagkakaroon ng celebration, malaki man ito o maliit. Lahat ng iyan ay makikita sa mga pilipino, idagdag ko na rin ang pagtutulungan ng bawat isa. Ngunit makikita rin sa kwento ang isa sa mga negatibong kultura ng mga istudyante, ang pangongopya at pagka-cramming.

IV. LAGOM

Si Solene Clemente ay isang tipikal na engineering student na nahihirapan sa kanyang pag aaral, kung pwede lang i-bake yung mga itlog niyang scores sa exam, ay ginawa niya na. Sa murang edad pa lamang ay naranasan niya na ang mga bagay na di dapat dinaranas ng normal na bata, ngunit hindi naman siya nag iisa dahil nariyan naman ang kanyang ina na mahal na mahal niya at ang kanyang best friend na si duke, na may lihim na pagtingin sa kanya. Kaya kahit hirap na hirap siya ay kaya niya itong tiisin para sa kanyang pangarap, patuloy siyang magliliwanag at tulad ng araw ay nakatadhana na siyang mag isa.

V. REAKSYON AT MUNGKAHI

Ang Chasing the Sun ay tunay na maganda para sa akin. Sapagkat di lang ito puro kakiligan, puno rin ito ng mga iba’t ibang damdamin tulad ng katatawanan at mga aral sa buhay na siyang magpapabago ng ating persektibo sa buhay. Kaya kung ikaw ay naghahanap ng isang aklat na maglalabas sa iyo sa napakagulong mundong ito, College series ni INKSTEADY ang kailangan mo.





Kung hindi ukol, hindi bubukol

 


    Ang tao ay maraming ninanais. Likas na sa tao ang maghangad ng mga bagay. Upang makuha ito ay kailangan natin pagsikapan ang mga ito para patunayan na karapat dapat na mapa sa iyo ang bagay na ninanais mo


    Ngunit ang ibang aya ay sa ibang daan napaparoon. Kinakailangan nilang mang tapak ng ibang tao para lang umangat. Ang isang hanggarin ay nagiging masama kung ito ay nakasasama sa iba at ikaw lang ang makikinabang. Tulad ng isang ilog, ito ay nagsisimulang marumihan kapag marami na ang nakakakita.


    Kung sino pa ang nag niningning siya pa ang ibinababa. Hindi ba pwede na maging masaya nalang tayo para sa kanila. Masaya sana ang mundo kung lahat tayo ay marunong magsikap kaysa mainggit.




Lakbay Pahina


     Ang pagbabasa ay tila ba ay isang uri ng transportasyon na kung saan ay naglalakbay ang ating isipan sa kung saan man maabot ng ating imahinasyon. Hindi lang ito nagdudulot ng saya pati narin aral. Sa mga kwento at likha na ating nababasa bagong aral ay ating nakakamtan.


     Sa pagbabasa, kinakailangan ito ng mata at utak, pag unawa at imahinasyon. Maaari tayong bumasa ng Iba’t Ibang Teksto, genre at panitikan. Pwede itong maghatid ng impormasyon, katatawanan, katatakutan at aral or bugso ng damdamin. Nakakamanghang isipin na gamit lamang ang ating isipan ay marami ja tayong mga impormasyon at kulturang nalalalaman. Sa pagbabasa ay di kinakailangan ng mamahaling instrumento. Paganahin mo kang ang imahinasyon mo at magsisimuoa na ang paglalakbay mo.


     Sisirin ang mundo ng literatura at akyatin ang bundok ng kaalaman. Maligaw sa lawak ng imahinasyon at magtungo sa kung saan ng hindi lumilisan sa pinaroroonan mo. Para sa akin ang oagbabasa ay isang paglalakbay na kung saan ay makakikilala ka ng mga tauhan na maaari mong maihalintulad ang iyong sitwasyong. Ang pagbabasa ay isang bagay na naging daan ng mga tao upang makahanap ng liwanag sa mga blankong papel, na kung saan ay simula sa ating isipan ay naihahatid ito ng tinta patungo sa papel. Pagbasa tungo sa pagtatasa ng isipan.







Anak

    Ang kantang anak ay naglalarawan ng isang buhay ng isang anak na naligaw ng landas ay tumatalakay sa kultura ng isang pamilya bilang isang medium ng pagmamahalan


    Sa awit ay tinalakay ay buhay ng isang anak at kung paano siya kinagiliwan ng kanyang mga magulang na para sa kanila ay isa itong biyaya na nag aalis ng pagod, hirap at problema. Ngunit di lahat ng vagay ay laging masaya at maliwanag. Nagdilim ang paligid at naligaw ang landas ng anak. Nagbalik ang lungkot sa mga magulang.


     Ang mga bagay na nagbibigay sa atin ng pagmamahal ay dapat nating pahalagahan tulad ng ating mga magulang ay ibalik natin sa kanila ang pagmamahal naibinigay nila sa atin.









Hiraya Manawari

 

     Punong matayog at mataas ay sinubok akyatin, kabiguan ay nakaabang saakin. Sapagkat ang sisilayan sa tuktok ng puno ay ang kalawakan ng kalayaan at ang mundo na puno ng mga bagay na tila ay nagbabago at nag iiba-iba na parang hunyango.


    Arkitekto ang ninanais ko, ipakita ang di pa nasisilayang taglay na kaibahan. Naipapamalas sa mga disenyong pang obra maestrang istruktura. Napakataas ng aking pangarap ngunit, 'di bawas sa aking salapi ang mangarap 'di ba? Kahit sino ay may karapatang maglapat ng tinta sa kanilang papel at iguhit ang kanilang hinaharap.


    Ang mga iginuhit na pangarap ay nararapat kulayan ng sipag, tiwala sa sarili at pananalig sa panginoon. Kahit anuman ang humarang sa ating harapan, isang hakbang patalikod, Isang hakbang kagilig ay lakad paharap. Di naman lagi ay kailangang pasulong, kung maaari naman tayong mag pahinga. Ang pangarap ay nariyan lang, hinihintay ka lang na maabot ito. 

Buhay ay 'di karera


     May sari-sarili tayong talento, kakayahan at pagkakaiba. Maaaring ikaw ay mahina sa ganitong bagay o ang iba ay malakas sa ibang gawain.


     Tulad ng ating buhay na punong puno ng mga sopresa at mga lubak na dapat nating pansinin at iwasan, kun'di tayo ay madadapa at di natin maiiwasan ito kung tayo ay nagmamadali kay dahan dahan lang.


     Ang buhay ay 'di karera, matutong maghintay, at makuntento. Darating rin ang mga bagay na inaasam mo sa tamang pagkakataon. Kaya kalma lang bes.

Kakaiba sa Lahat


   Kaya pa ba teh? Kaya mo pa bang lumaban sa bugso ng hangin na tila ba ay salunggat sa'yo? Ipakilala ang iyong mga talento sa mundo.


  Isa siyang 'di pang karaniwang tao, iba siya! Siya ay may malawak na kaisipan na kayang maglakbay sa iba’t ibang lugar na kanya mang naisin. Kakaiba ang hilig, kayang sumabay sa bawat himig, tono ng iba't ibang uri ng musika. Kanyang saloobin ay sa pinta nakikita. May masaya at makulay na dating na para sa iba ay sobra na, minsan nang mag isa at ayaw ng nag iisa kaya parang laging uhaw sa atensiyon. Ngunit sa kabila ng kanyang maingay na personalidad ay maraming kapintasan ang nagtatago, sa dilim. Maraming mga plano, hanggarin at ninanais na tila ba ay ipinapagkait sa kanya. Pagmamahal, maayos na buhay. Kung sa iba ay isa siyang kakaibang nilalang. Para sa akin ay naiiba siya bilang isang nilalang dahil ninanais niya na laging positibo ang paligid, makulay at masigla dahil sa kaloob looban niya ay magulo at negatibo. Tulad ng pangarap mo ay, dahan dahan at paunti unti mong itayo ang iyong buhay.

     May pangarap ka pang tutuparin. Tibayan mo ang iyong loob, sipagan ang pag-aaral. Patunayan sa iba na ika'y kakaiba, may mabuting puso at handang tumulong. Magkamali man ay ito ay tatakpan ng mas mabuting gawain. Bata ka pa Andrei, ikaw ay lalago at bubunga ng maganda. Sobrang Latinaaa!

Bagyong Kristine


  Ang Pilipinas ay isang bansang nakakaranas ng mahigit sa dalawangpung bagyo sa isang taon. Ang bagyong Kristine ay isa sa mga bagyo na tumama sa bansa ngayong taon. Ito ay sumira ng mga ari-arian at iba pa.


  Ang bagyong ito ay napakalakas at mapanira, kumitil ng ilang buhay, sumira ng mga tahanan, at nagpahinto ng mga byahe pang himpapawid at pang dagat. Bunga nito, marami ngayon ang nangnangnailagan ng tulong at ng pag asa. Kaagapay nito ang mga programa ng gobyerno na kung saan ay namamahagi sila ng relief goods.


    At dahil dito ay naisasabuhay natin ang bayanihan na tanyag sa mga Pilipino. Ang pagtutulungan at pagkakaisa. At may pagkakaisa, ay may pag unlad.


Suring basa

Chasing the Sun Ni Inksteady I. PANIMULA PAMAGAT Ang Chasing the Sun na parirala ay tila ba ay maraming nakatagong kahulugan. Maaaring ito a...